Idinaos noong February 16 ang Fall/Winter Hayo at Gilas PIKO sa Hanpass Office, 8th floor ng Gwangmyeong Tower sa Seoul.
Sa pagtitipon ay kinilala ang mga Pilipinong estudyanteng nagsipagtapos ng kanilang mga pag-aaral mula sa mga university sa Korea, pati na rin ang mga estudyanteng nakapagkamit ng karangalan at nakapag-publish ng mga scientific journals sa kani-kanilang mga fields.
Kami ay nagpapasalamat kina Bb. Pauleen Mae Losaria (Kongju National University) na nagbahagi ng kanyang MS Thesis, kay Dr. Lito Amit (Daegu Catholic University) na nagdeliver ng mensahe mula sa mga magsisipagtapos, at ang panauhing pandangal na si Vice Consul and PIKO Adviser Lyza Viejo mula sa Philippine Embassy sa Seoul para sa kanyang espesyal na mensahe para sa mga magsisipagtapos at nagkamit ng karangalan.
Dumalo din ang outgoing executive committee members sa pangunguna ni President ‘19 Jerre Mae Tamanal (Sahmyook University), kung saan siya ay nag-deliver ng kanyang pamamaalam na mensahe. Ito ay sinundan naman ng panunumpa ng incoming executive committee members sa pangunguna ni President ‘20 Jubert Marquez (Inje University). Ang pagtitipon ay nagtapos sa isang Filipino-style salu-salo.
Muli, congratulations mga ka-PIKO!